Paano Maging Handa sa Pag aasawa
PAANO MAGING HANDA SA PAG AASAWA 
"Ikaw ba ay single at nasa tamang edad na nang pag aasawa?"
Kung ganuon huwag mo nang palampasin na basahin ang kabuuang detalye ng Blog na ito, ito ay para sayo.
Nais kong ibahagi ang aking karanasan at kanarasan ng iba upang maging patunay sa mga mababasa mo sa articles na ito ay ang karaniwang nangyayari sa buhay ng tao.
Ano ano ang nilalaman ng artikulong ito at ang matututunan mo dito?
-Maging handa ang iyong emosyon
-Maging handa sa Pinansyal
-Maging handa sa hinaharap
Bata pa lamang ako ay mataas na ang aking pangarap sa buhay, nais kong maging isang doktor, at umangat sa buhay dahil ako'y lumaki sa hirap. Nuong mga bata pa tayo ang akala mong mga pangarap mo nuon ay madali lang maabot, ngunit habang lumalaki ka at nakikita mo ang totoong takbo ng buhay ay hindi pala madaling matupad ng ganuon kadali ang mga pangarap, kinakailangan pala ng pagtitiis at haharap ka sa maraming pag subok upang makamit ang mga pinapangarap mo sa buhay.
Ika nga, ang buhay ay parang teleserye, minsan madrama at sa huli ang tagumpay.
Sa madaling salita hindi natupad ang aking pangarap na pagiging doktor dahil una sa lahat ay ang isyu sa pinansyal, kinakailangan ng malaking halaga para makapag aral ng medisina.
Nakapagtapos ako, ngunit dahil bachelor lang ang tinapos ko sa isang private sector ako nakapag trabaho at hindi naging madali ang lahat sapagkat nag sinasahod ko ay sapat lang sa pagkain sa araw araw, sinubukan kong maghanap ng trabaho na may mataas na pasahod ngunit mataas din ang kanilang kwalipikasyon.
At sa edad kong labintatlong gulang nakilala ko ang isang taong nagpasaya sakin sa kabila ng aking kabiguan sa buhay.
Nuong mga panahong iyon ay sobrang saya at nakakakilig. Totoong masaya ang puso mo kapag ikaw ay inlove at kapag inlove din sayo ang taong gusto mo. Nuong mga araw na iyon naaalala ko pa na isang oras ako sa salamin bago makipag kita sa kanya, sinisiguro kong wala syang makikitang kapintasan sakin mula ulo hanggang paa.
Sinisiguro kong gumamit ng pabangong mapang akit ang amoy, kaya naman kapag nagdedate kami panay ang singhot nya sa aking leeg kapag kami ay naka upo sa isang parkeng pasyalan.
Nuong Kami ay magkasintahan ay espesyal ang turing namin sa isat isa, at alam kong mas espesyal ang turing nya sakin dahil sa mga papuri nya sa aking panlabas na kaanyuan.
Nung una kaming nag date ay masasabi kong mabuti syang tao dahil sa tono ng pananalita nya at kilos nya, sa kanyang mga kwento naniwala akong isa syang responsableng tao. Kaya naman ibinigay ko agad sa kanya ang aking kaluluwa at kami ay nag isang dibdib.
Hindi ako nag isip nang kung anu ano pa ngunit pumayag ng agarang kasal sa kanya upang magkaroon ako ng katuwang sa buhay at hindi na ako mahirapan mag isa.
Nang marating namin ang buhay mag asawa, at habang tumatagal ang aming relasyon ay unti unti nang nagbabago ang lahat, nabubulgar ang totoong ugali na may madilim katangian.
Kaya kung ikaw ay nagpaplanong mag asawa ihanda mo ang iyong EMOSYON dahil darating ang panahon na makikita mo ang madilim n ugali ng iyong kabiyak na ikakasurpresa mo dahil hindi naman sya ganuon nung una kayong magkakilala.
Kapag nasa punto na kayo nang madalas na pag aaway hindi sulusyun ang pakikipag hiwalay sapagkat ang kasama sa kasal ang pagtanggap mo sa ugali ng iyong pinakasalan.
Nuong una kong matuklasan ang pangit na ugali ng aking asawa ay sobra akong umiyak na parang bata, masasabi kong hindi handa ang emosyon ko sapagkat nag desisyon ako na makipag hiwalay sa kanya sa tuwing nag aaway kami.
Tumatakas ako at mag lalayas, ngunit tuwing sya ay hihingi ng tawad ay hindi ko rin matiis. Madalas din naming pag awayan ang pinansyal na problema, dumating sa punto na pareho kaming nawalan ng trabaho, kaya kung anu ano na lang raket ang ginagawa namin upang makaraos sa araw araw.
Hindi stable ang pinansyal namin nung kami ay nagpakasal sapagkat kami ay nagrerenta lamang ng tuluyan.
Ugat ng pag aaway namin ang pera, yung inakala ko nuon na magiging magaan ang buhay ko dahil may katuwang na ako ay hindi pala, sa mag asawa mararanasan mo ang hirap. Susubukin ng Diyos kung gaano kayo katatag. Ngunit hindi paraan ang pakikipag hiwalay, hanggang sa kami ay nagkaanak, dumarating din sa punto na nagiging magaan ang aming pamumuhay, ngunit isang mabigat na pagsubok ang muli naming naranasan nang magkasakit ang aming anak na inabot ng isang buwan sa ospital at kinailangan nang malaking halaga na pang gastos sa ospita na hindi namin alam kung saan kukunin, sinisisi naming mag asawa ang isat isa.
Ang pag aasawa ay hindi minamadali, marapat lamang na maging handa ka emotionaly , siguraduhin mong matured ang iyong pag iisip, na may sapat na kaalaman kung paano susulusyuan ang mga pagsubok na darating, hindi sa alak o bisyo ang sulusyon kundi humingi ng kaalaman sa Diyos at katatagan.
Ang pag aasawa ay pinag hahandan pinansyali, marapat lamang na may sapat kang ipon at may maayos na trabaho o negosyo. Nang sa gayun hindi mo sisisihin ang gobyerno kapag nakaranas ka ng kahirapan sa buhay sapagkat nag sisikap ka sa sarili mo at sa pamilya mo nang hindi umaasa sa iba...
Kung ibabalik lang ang panahon na akoy dalaga pa ay mananatili na lamang ako sa pagiging dalaga, ngunit hindi na ako makakatakas pa, masaya naman ako sa pamilyang ibinigay sa akin ng Diyos, kahit nasa kalagitnaan kami ng pagsubok ngayon ay patuloy kaming lumalaban na mag asawa para sa aming mga anak, madalas kaming mag away pero nagpapakumbaba naman ang isa't isa samin kalaunan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento